Nagbunga ang paggamit ni Valle ng soft break na siyang itinuro ni Alex Pagulayan matapos kunin ang unang pitong rack na pinaglabanan para sa kumbinsidong tagumpay laban sa second seed na si Orcollo.
Ang soft break ay ginamit ni Pagulayan nang talunin niya si Antonio Gabica, 9-7, nitong Huwebes.
"Kaya ako sumali rito ay gusto kong makapasok sa World Pool. Kung magku-qualify ka kasi ay isa lang ang kinukuha at 124 pa kayong naglalaban. Dito 64 lang kami at apat pa ang kukunin kaya masayang masaya ako sa panalong ito," wika ni Valle sa inilistang ikalimang sunod na panalo sa winners bracket.
Ang tanging puntos na nakuha ni Orcollo sa eight rack nang sumablay ang placing ni Valle sa pink four-ball.
Bagamat may pumasok sa sargo ni Orcollo sa sumunod na rack, sumablay naman ito sa safety shot sa red 3-ball para makatumbok uli si Valle at mawalis ang ninth at tenth rack.
Kasabay ng pagbibida ni Orcollo ay ang pagpapasikat ng ibang hindi seeded na players gaya nina Jeffrey de Luna, Jimmy Cheng at Rolando Garcia na sinibak ang mas may pangalang kala-ban para manatiling nasa kontensyon sa losers bracket.
Unang pinataob si Jose Parica nitong Huwebes ng gabi, 9-5, magkasunod na pinatalsik ng 21 anyos na manlalaro nina Perry at Verna Mariano, sina Warren Kiamco (9-5) at Ramil Gallego (9-4).
Ang 54-anyos na si Cheng na kasama nina Efren "Bata" Reyes at Parica na mga naunang national players sa pool noong dekada 70, ay sinibak si Rodolfo Luat matapos humabol sa 6-8 pagkakaiwan tungo sa 9-8 tagumpay.
Sa kabilang banda, si Garcia, na tubong Angeles City at alaga ni "Bata" Reyes, ay sinibak si Lee Van Corteza, 9-8, nitong Huwebes, ay nangibabaw kay Leonardo Didal (9-4) at Mario Tolentino, 9-8.
Si Gabica lamang ang nakalusot sa panggugulat ng mga di kilalang players nang talunin niya si Jharome Peña, 9-5.