Mahigpit na hamon ang tinanggap ng Ateneo mula sa Adamson Univer-sity bago nila naitakas ang 66-65 panalo sa pagpapa-tuloy ng 69th UAAP mens basketball tournament sa PhilSports Arena kagabi.
Naging bayani ng Eagles ang veteran wing-man na si JC Intal na gu-mawa ng dalawang mala-laking play para sa ika-pitong sunod na panalo ng Ateneo na higit na nagpa-ningning ng kanilang ma-tayog na record sa team standings.
Umiskor ng bank shot jumper si Intal upang ibi-gay sa Ateneo ang kala-mangan, 66-65 sa harap ng depensa ni Patrick Cabahug, 8.9 segundo na lamang ang nalalabing oras sa labanan.
Bumalik sa poder ng Eagles ang posesyon nang matapik ni Macky Escalona ang bola mula kay Kenneth Bono at ito ay nagresulta ng jumpball sa pagitan nina Intal at Marvin Poloyapoy, 1.4 tikada na lamang.
Nauna rito, sumandal ang FEU Tamaraws kay Jeff Chan na kumamada ng 22-puntos tungo sa 89-76 pamamayani laban sa University of the Philip-pines tungo sa kanilang pagsulong sa 4-4 kartada na nagpatatag sa kanila sa ikatlong puwesto sa likod ng University of the East, 5-2.
Katulong ni Chan si Jonas Villanueva na may 19 puntos bukod pa sa seven rebounds, seven assists, at two shotblocks para ipalasap sa UP Ma-roons ang ikalimang talo sa pitong laro sanhi ng kanilang pakikisalo sa kulelat na posisyon sa walang larong University of SantoTomas.