^

PSN Palaro

Matayog pa rin ang lipad ng Blue Eagles

- Mae Balbuena -
Hindi pa rin nadudu-ngisan ang malinis na katayuan ng Ateneo De Manila University ngunit hindi naging madali ito sa Eagles habang patuloy naman sa pagbangon ang Far Eastern University sa paglista ng ikaapat na su-nod na panalo.

Mahigpit na hamon ang tinanggap ng Ateneo mula sa Adamson Univer-sity bago nila naitakas ang 66-65 panalo sa pagpapa-tuloy ng 69th UAAP men’s basketball tournament sa PhilSports Arena kagabi.

Naging bayani ng Eagles ang veteran wing-man na si JC Intal na gu-mawa ng dalawang mala-laking play para sa ika-pitong sunod na panalo ng Ateneo na higit na nagpa-ningning ng kanilang ma-tayog na record sa team standings.

Umiskor ng bank shot jumper si Intal upang ibi-gay sa Ateneo ang kala-mangan, 66-65 sa harap ng depensa ni Patrick Cabahug, 8.9 segundo na lamang ang nalalabing oras sa labanan.

Bumalik sa poder ng Eagles ang posesyon nang matapik ni Macky Escalona ang bola mula kay Kenneth Bono at ito ay nagresulta ng jumpball sa pagitan nina Intal at Marvin Poloyapoy, 1.4 tikada na lamang.

Nauna rito, sumandal ang FEU Tamaraws kay Jeff Chan na kumamada ng 22-puntos tungo sa 89-76 pamamayani laban sa University of the Philip-pines tungo sa kanilang pagsulong sa 4-4 kartada na nagpatatag sa kanila sa ikatlong puwesto sa likod ng University of the East, 5-2.

Katulong ni Chan si Jonas Villanueva na may 19 puntos bukod pa sa seven rebounds, seven assists, at two shotblocks para ipalasap sa UP Ma-roons ang ikalimang talo sa pitong laro sanhi ng kanilang pakikisalo sa kulelat na posisyon sa walang larong University of SantoTomas.

ADAMSON UNIVER

ATENEO

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

INTAL

JEFF CHAN

JONAS VILLANUEVA

KENNETH BONO

MACKY ESCALONA

MARVIN POLOYAPOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with