Ipinamalas ni Pagulayan ang kanyang pagiging beterano nang ilabas ang matitinding tumbok sa mahalagang tagpo ng labanan upang maiuwi ang 9-7 tagumpay sa kinapos na si Gabica.
May halong suwerte rin ang panalong ito ng 27-anyos na top seed dahil walang pumasok sa sargo ni Gabica matapos ang huling tabla sa laro sa 7-all.
Humabol buhat sa 2-4 at 4-5 pagkakalubog, lumamang pa sa 7-5 si Pagulayan pero ang kan-yang masamang placing sa four ball ang nagbigay-daan para makatira si Gabica at makuha ang 13th rack.
Naipanalo pa ng 33-anyos SEAG gold meda-list na si Gabica ang iskor sa 7-7 nang maipasok ang 3-cushioned shot sa 5-ball para makuha ang mahalagang sargo sa 15-rack.
Pero sadyang di para kay Gabica ang laban dahil kumalat lamang ang bola na nagpadali sa pagkuha ng panalo sa rack ni Pagulayan. Hindi na naglaro pa ang 2004 World Pool Champion at inilabas ang mabangis na break para pumasok ang tatlong bola na 1, 2 at 6 para sa isa pang madaling clean-up.
Sunod na makaka-laban ng 27 anyos na si Pagulayan na umabot sa yugtong ito sa pamama-gitan ng panalo kina Jec Limen (9-2), Edgar Acaba (9-7) at Leonardo Didal (9-6), ang magwawagi kina Ramil Gallego at Ronato Alcano.
Ang magwawagi sa labang ito ay uusad sa last two players sa nasabing grupo.
Ang isang pares ng semifinals ay tatampukan naman nina Gandy Valle at second seed Dennis Orcullo. Ang mga labang ito ay idinadaos habang isinusulat ang balitang ito.
Samantala, patuloy ang paghinga pa ni Lee Van Corteza sa losers bracket at kahapon ay sinibak na ang tubong Bacolod na si Panfilo Damu-ag Jr. sa 9-2 iskor.
Hindi naman naipag-patuloy nina Leonardo Andam at Romeo Villa-nueva ang kampanya nang mamaalam na sa liga matapos matalo sa second round.
Yumuko si Andam kay Victor Arpilleda sa 7-9 iskor habang hindi kinaya ni Villanueva, ang 1998 Bangkok Asiad gold medalist ang mas batang si Warren Kiamco para sa 5-9 kabiguan.