^

PSN Palaro

Mga beteranong cue artists umusad

-
Pinalawig ni Gandy Valle ang kanyang dominasyon laban sa maalamat na si Jose ‘Amang’ Parica sa dalawang laro sa pamamagitan ng 9-5 panalo at manatiling malinis sa 2006 BSCP National Pool Championship sa Ninoy Aquino Stadium.

Patuloy naman ang pagkapit ni top seed at dating World Pool champion Alex Pagulayan nang magrally ito mula sa 4-6 na pagkakalugmok tungo sa 9-6 panalo kay Leonardo Didal.

"Hirap na hirap manalo," ani Pagulayan, na makakaharap si Antonio "Gaga" Gabica, na nanaig naman kay Rolando Garcia, 9-3.

Ang 29 anyos na si Valle, na tinalo ang 60 anyos na si Parica sa Reno Open may dalawang buwan na ang nakakaraan, ay nakatakdang makipagharap kay Rodolfo Luat.

Si Luat na kamakailan lamang ay nagwagi sa ikatlong yugto ng San Miguel Asian 9-ball event sa Kiaoshung, Chinese Taipei, ay magaan na pinayuko si Napoleon Labrador, 9-0.

Nagpamalas din impresibong panalo si second seed Dennis Orcollo na ginapi si Jharome Peña, 9-2, at isaayos ang pakikipaglaban kay Mario Tolentino, na nanaig naman kay Jundel Mendoza 9-7.

"I just got lucky in this game," wika ng 27-year-old na si Orcollo, na kamakailan lamang ay nagbulsa ng tumataginting na $80,000 (P4 million) sa IPT World 8-Ball Championship in Las Vegas, Nevada noong nakaraang buwan.

Umusad din si Ramil "Bebeng" Gallego nang magwagi ito kay Jimmy Ching, 9-2 sa event na ito na may nakatayang P1 million para sa champion.

ALEX PAGULAYAN

BALL CHAMPIONSHIP

CHINESE TAIPEI

DENNIS ORCOLLO

GANDY VALLE

JHAROME PE

JIMMY CHING

JUNDEL MENDOZA

LAS VEGAS

LEONARDO DIDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with