^

PSN Palaro

Letran, San Beda bandera pa rin

-
Sa likod ng kanilang depensa, kapwa napanatili ng nagdedepensang Letran College at San Beda College ang pamumuno sa eliminasyon.

Tinalo ng Knights ang five-time champions San Sebastian Stags, 62-56, at iginupo naman ng Red Lions ang UPHD Altas, 77-57, para pangunahan ang second round ng 82nd NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Nasa kanilang four-game winning run ngayon ang Letran, habang itinarak ng San Beda ang kanilang nine-game winning streak para sa magkatulad nilang 10-1 rekord kasunod ang PCU (8-3), Mapua (6-5), SSC-R (3-8), UPHD (3-8), Jose Rizal (3-8) at sibak nang St. Benilde(1-10).

Matapos iposte ng Knights ang isang 16-point lead, 50-34, sa 6:21 ng fourth period, nakalapit ang Stags, nasa kanilang four-game losing skid, sa 53-57 agwat mula sa 3-pointer ni Jim Viray sa 2:19 nito.  

Dalawang freethrows ni Andro Quinday at jumper ni pro-bound Boyet Bautista, may 3-for-7 shooting sa 3-point line, ang naglayo sa Knights sa 61-54 sa huling 28 segundo matapos ang split ni John Tioseco ng Stags.

Bumangon naman ang Red Lions, nakahugot ng 13 puntos kay Pong Escobal, 12 kay Yousif Aljamal at 10 kay JR Tecson, mula sa masamang 4-12 panimula upang ibaon ang Altas sa third quarter, 61-38, patungo sa kanilang pang siyam na dikit na panalo.

Sa juniors’ division, tinalo ng nagdedepensang Staglets (6-2) ang Squires (0-10) mula sa kanilang 86-66 pananaig tampok ang 22 puntos, 11 boards, 8 assists, 3 blocks at 1 steal ni Ryan Buenafe. (Russell Cadayona)

vuukle comment

ALTAS

ANDRO QUINDAY

BOYET BAUTISTA

JIM VIRAY

JOHN TIOSECO

JOSE RIZAL

LETRAN COLLEGE

PONG ESCOBAL

RED LIONS

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with