Maliban sa pagbibigay siya sa kanyang mga fans at higit pang pag-ibayuhin ang hilig sa basketball sa rehiyon, ilulunsad din ni McGrady ang kanyang all-white limited edition run ng kanyang unang signature shoe, na T-MAC 1.
"This summer marks my third time to Asia, and I continue to look forward to these trips every year," ani McGrady. "Over the last couple of years I have continued to gain great respect and love for everyone in Asia. I appreciated all that my fans have done for me on these tours and look forward to meeting more of them this year and thanking them for their support."
Si McGrady, mas kilala bilang T-Mac, ay naglalaro bilang shooting guard at small forward para sa Houston Rockets.
Nakilala si T-Mac dahil sa kanyang pagpapasiklab sa Adidas ABCD Camp, kung saan iniimbitahan ang mga mahuhusay na high school players sa US taun-taon.
Napili siyang High School Player of the Year ng USA Today, at kamakailan lamang ay naibotong First-Team All-NBA, miyembro ng Eastern Conference All-Star team, at noong `02-`03 at `03-`04 seasons ay nanalo siya ng championships.
Noong nakaraang summer, bumisita si T-Mac sa Asia para ipromote basketball at sa taong ito, dadalaw siya sa Seoul, Guangzhou, Manila at Hong Kong.
Ang 2006 T-Mac tour ay katatampukan ng community events, basketball clinics, celebrity all-star games, at pagbisita sa mga national landmarks. Ang special focus para kay T-Mac ay ang kwento ng Impossible is Nothing na naging marka ng kanyang buhay para siya ay magtagumpay.
Gagamitin ni T-Mac ang tour sa paglulunsad ng limited edition T-MAC 1. Ang sapatos ay all white, maliban sa gold Olympic motif, at individually numbered na may Tracy McGrady signature.
Ang original T-MAC shoe na nilimitahan sa 1,650 pares lamang ay inilunsad noong 2000, at ang latest edition ay inaasahang maiibayo ng conventional basketball footwear sa pamamagitan ng adidas technology at performance components at revolutionary design elements.