Cua binanderahan ang UST
August 15, 2006 | 12:00am
Binanderahan ni National Master Sherilyn Cua ang University of Santo Tomas sa pananalasa nito noong weekend makaraang walisin ng Tigresses ang University of the East at Ateneo sa UAAP Season 69 womens chess field.
Nanaig si Cua, winner ng bronze medal noog 23rd Manila SEA Games, sa 36 moves ng London System kontra kay Jaymalyn Fronda at pangunahan ang 4-0 pananalasa sa ikalawang round noong Sabado.
At sa ikatlong round naman noong Linggo, muling nanaig si Cua sa pamamagitan ng 51 moves ng London system uli upang igupo si Katrina Edanoil ng Ateneo para sa isa pang 4-0 blowout sa UE Briefing Room.
Dahil sa 11.5 puntos sa posibleng 12.0, malinaw na may 3.0 puntos na layo sila sa pumapangalawang Far Eastern U na nakipag-draw sa University of the Philippines, 2-2 noong Sabado at 3-1 panalo laban sa UE noong Linggo para sa kabuuang 8.5 puntos.
Ikatlo naman ang UP na may 7.5 kasunod ang Ateneo at National U na may 3.0 bawat isa at UE na may 2.5 puntos sa womens contest.
Patuloy naman ang pananalasa ng Adamson U sa mens side sa kanilang 11.0 puntos kasunod ang 2-2 draw laban sa UP noong Sabado at 2.5-1.5 panalo naman sa UE noong Linggo.
Pumapangalawa naman ang UST na may 8.5 puntos na may 1.5 puntos na bentahe sa FEU at 2.0 abante naman sa UE at NU.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended