^

PSN Palaro

SMB-Team Philippines inspirado

-
Inspirado sa kanilang 19-puntos na tagumpay, tangka ng San Miguel Beer-Team Philippines na ma-sweep ang two-game exhibition series kontra sa Lebanon national team sa paghaharap ng dalawa bukas.

Ang nakakadismayang kabiguan noong Linggo na hindi inspiring tune-up para sa Lebanese, na naririto sa bansa bilang paghahanda sa World Basketball Championship na gananapin sa Saitama, Japan.

Masakit ang kabiguang ito para sa Lebanese lalo’t halos kabubuo lang ng koponan na tumalo sa kanila.

"There is nothing that makes a coach prouder than to learn that his team flourish in his absence. It means the players and coaches understand what true teamwork is about. Congrats!" ani head coach Chot Reyes sa kanyang text message kay assistant coach Djalma Arnedo.

Si Reyes ay kasalukuyang nasa Taipei kung saan nakikipaglaban ang San Miguel Beermen na kanyang iginigiya sa Asian Invitational Club Championship.

At habang nagmamalaki si Reyes sa naging performance ng Team Philippines, sinabi ni coach Norman Black, na siyang pansamantalang humalili kay Reyes, na nangangapa pa ang Lebanese ng gabing iyon.

"Our players did what they had to do. They executed well and held their own off the boards against the tall Lebanese," obserba ni Black.

Mabilis ding inamin ni Black na malamang pagod pa ang mga ito mula sa kanilang ginigiyerang bansa. Noong nakaraang linggo, tinalo ng Lebanon ang Canada, na wala si Steve Nash, isang araw matapos yumuko sa Slovenia.

"But with another two-day rest, I’m sure the Lebanese will recover their energy and give us a good challenge on Wednesday," ani pa ni Black.

ASIAN INVITATIONAL CLUB CHAMPIONSHIP

CHOT REYES

DJALMA ARNEDO

NORMAN BLACK

REYES

SAN MIGUEL BEER-TEAM PHILIPPINES

SAN MIGUEL BEERMEN

SI REYES

STEVE NASH

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with