At nito ngang nakaraang linggoy lumabas ang balitang kinakausap ng Alaska ang Coca-Cola hinggil sa posibilidad na isang trade. Kung magtatagumpay ang Alaska na makumbinsi ang Coca-Cola na pawalan si Abarrientos, ang manlalarong tinaguriang "The Flying A" ay magsisilbing chief back-up ni Mike Cortez na kamakailan ay pumira ng contract extension sa Aces.
Hindi naman maglalaro ng mahabang minuto sa hardcourt si Abarrientos dahil si Cortez at nag-a-average ng mahigit na 35 minutong exposure. Kumbagay pagpapahingahin lang ni Abarrientos si Cortez at magbibigay pa rin siya ng quality minutes. Hindi kasi iyon naibigay ni Rensy Bajar noong nakaraang taon.
Napaso na ang kontrata ni Abarrientos sa Coca-Cola subalit hawak pa rin ng Tigers ang right of first refusal sa kanya. So, hindi basta-basta puwedeng makuha ng Alaska si Abarrientos nang walang pahintulot ang Tigers o wala man lamang nakukuha ang Coca-Cola na trade.
At sa tutoo lang, baka kailanganin pa ng Tigers si Abarrientos kahit na nasa kanila na si Dennis Miranda na papasok sa kanyang ikalawang taon sa PBA. Malaki pa rin naman ang maiaambag ni Abarrientos sa Tigers lalot tila sasailalim sila sa isang rebuilding phase matapos ipamigay ang mga superstars na sina Rafi Reavis, Billy Mamaril at Rudy Hatfield sa Ginebra at sina Rob Wainwright at Gilbert Lao sa baguhang Welcoat Paints.
So tiyak na sangkaterbang rookies ang kukunin ng Coca-Cola at ilan sa mga itoy point guards na matuturuan ni Abarrientos.
Unless na magandang-maganda ang offer ng Alaska, baka hindi pakawalan ng Coca-Cola si Abarrientos. Siguro, kahit si Abarrientos ay nagdadalawang-isip din na bumalik sa Alaska dahil hanggang ngayon ay masama ang loob niya sa pagkaka-trade sa kanya ng Aces.
Pero siyempre nais lang naman ng Alaska kina pagsama-samahin muli ang mga manlalarong naging bahagi ng kasaysayan ng prangkisa nito. Nasa kanilang poder na sina Jojo Lastimosa at Bong Hawkins na kapwa miyembro ng coaching staff. Nasa kanila na rin si Jeffrey Cariaso.
Well, kung hindi nila makukuha si Abarrientos sa taong ito, pwede naman silang maghintay hanggang sa susunod na season.
O pwede ring i-recruit nila ang isa pang naging bahagi ng Grand Slam nila na si Edward Juinio na tila ilalaglag na ng Talk N Text buhat sa line-up nito.
Si Juinio ay puwede pa namang maglaro ng isa o dalawang taon sa PBA at pakikinabangan pa ng Alaska lalung-lalo na ngayong hindi muna makapaglalaro si Reynell Hugnatan na naoperahan sa tuhod.