^

PSN Palaro

4th Cycling Search Invitational bubuksan ni Belmonte

-
Muling magkikita ang mga mahuhusay na siklista ng bansa at aspiring riders sa pagsikad ng 4th Cycling Search Invitational (CS14) sa Sabado, August 19 sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.

Itinakda kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Quezon City sa kooperasyon ng city government sa pangunguna ni Mayor Sonny Belmonte, magsisimula ngayong taon ang kick-off leg ganap na alas-8 ng umaga kung saan mismong si Mayor Belmonte ang inimbitahan upang siyang magbukas ng nasabing karera kasama ang iba pang city opisyal ng siyudad.

Ang criterium race, na presinta ng PhilPost at hatid ng PCSO, Lamoiyan Corp., Landbank, Smart, Speed, PAGCOR at Burlington ay mayroong apat na kategoryang paglalabanan kabilang ang People’s Race, isang special race para sa mga local riders na nakatira sa bisinidad ng kasalukuyang leg.

Ang tatlong iba pang kategorya-- ay ang Elite Men, Women, Masters at Pro-Open.

Inaasahang muling babandera ang dating tour champion at veteran international campaigner na si Victor Espiritu, kampeon noong nakaraang taon sa pro category ang Philippine Army katulong si Merculio Ramos para sa korona, habang ang 2005 runner-up na si Bernard Luzon ang siya namang gigiya sa San Leonardo squad.

vuukle comment

BERNARD LUZON

CYCLING SEARCH INVITATIONAL

ELITE MEN

LAMOIYAN CORP

MAYOR BELMONTE

MAYOR SONNY BELMONTE

MERCULIO RAMOS

PHILIPPINE ARMY

QUEZON CITY

QUEZON MEMORIAL CIRCLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with