^

PSN Palaro

Kontribusyon ng Welcoat sa PBA

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Mananatiling pangarap na lamang para sa Welcoat House Paints ang mithi nitong makuha ang ilang manlalarong naging bahagi ng tagumpay nito sa Philippine Basketball League.

Kasi nga’y tila gusto ng team owners na sina Terry Que at Raymond Yu na kahit paano’y may makuha silang mga dating Paintmasters. Marami kasing mga dating Welcoat players na nasa PBA na.

Nandiyan sina Yancy de Ocampo, Renren Ritualo, Don Carlos Allado, Eddie Laure, Romel Adducul, James Yap, Paul Artadi, Marc Pingris at iba pa. Aba’y kung mapagsasama-sama ng Welcoat muli ang mga ito, aba’y instant title contender kaagad ang pinakabagong koponan ng Philippine Basketball Association. Dream Team iyon!

Well, matagal na namang dapat na pumanhik sa PBA ang Welcoat. Halos sabay sila ng Red Bull na nag-apply para sa membership sa PBA subalit tanging ang Barakos ang tinanggap ng pro league. Ang Red Bull ay hinayaang magpanhik ng limang manlalaro direkta buhat sa amateur team nito. Bukod dito ay kinuha pa ng Red Bull si Mick Pennisi. Sa ngayon ay nakapagsubi na ng tatlong titulo ang Barakos sa PBA.

Well, kung sabay na nakapasok ang Welcoat, limang players din ang iaangat nila buhat sa PBL Team nila. At bibigyan din sila ng isang Fil-foreigner. Aba’y malakas na rin ang team na maia-assemble nina Que at Yu. Pero hindi nga ganoon ang nangyari.

Matagal bago nakaakyat sa PBA ang Welcoat at hindi katulad ng concession na ibinigay sa Red Bull ang natanggap ng Welcoat. Sa halip ay tatlong manlalaro lang buhat sa PBL Team nila ang kanilang naiakyat at ito’y sina Junjun Cabatu, Jay-R Reyes at Jay Sagad.

At sa ginanap na dispersal draft noong Huwebes ay nakuha nila sina Rob Wainwright at Gilbert Lao ng Coca-Cola at Denver Lopez ng San Miguel Beer.

Sampu na ang players sa kampo ng Welcoat at ang iba’y sina Nino Gelig, Jercules Tangkay, Adonis Sta. Maria at Froilan Baguion. Pupunan nila ang roster sa pamamagitan ng Draft kung saan pipili sila ng 10th at 11th.

Kapag tiningnang maigi ang initial line-up ng Welcoat, masasabing medyo kulang sa asim. Pero yun lang kasi ang pinakamagandang magagawa ng House Paintmasters sa kasalukuyan. Baguhan lang sila sa PBA at natural na kailangan nilang sumunod sa patakaran.

Siguro, pag tumagal nang kaunti, baka sakaling may makuha silang mga dating PBL players ng Welcoat sa pamamagitan ng trades. Kung mayroong papayag. Sabi nga nila, ang best bet diyan ay si Adducul na tila gusto nang umalis sa Barangay Ginebra ngayong loaded na ang Gin Kings ng malalaking players.

Pero hindi naman basta-basta ipamimigay ng Barangay Ginebra si Adducul nang walang magandang offer ang Welcoat, ‘di ba?

Sapat na siguro sa pamunuan ng Welcoat ang pangyayaring bago sila pumanhik sa PBA ay nakapag-ambag din sila sa pro league dahil naging bahagi sila ng growth ng ilang mga superstars ng liga sa kasalukuyan!
* * *
Advanced birthday greetings kina sports columnist Tito Talao at UAAP commissioner Elmer Yanga na magdiriwang bukas, Agosto 13 at kay Williy Ambrocio sa Lunes, Agosto 14. Belated birthday greetings naman kay sportscaster Mark Zambrano na nagdiwang kahapon, Agosto 11.

vuukle comment

ADDUCUL

ADONIS STA

AGOSTO

ANG RED BULL

BARAKOS

BARANGAY GINEBRA

DENVER LOPEZ

PERO

RED BULL

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with