^

PSN Palaro

Bullpups nilapa ng Baby Tams

-
Dinomina ng Far Eastern University Baby Tams ang kanilang laro kontra sa National Univer-sity Bullpups tungo sa kanilang impresibong 120-71 panalo sa pag-usad ng UAAP juniors basketball tournament sa Ninoy Aquino Stadium kahapon.

Pinangunahan ni Jens Knuttel ang Baby Tams sa pagkamada ng 18-pun-tos, 5-assists at 4-steals tungo sa ikalawang sunod na panalo ng Far Eastern at ikaanim sa kabuuang pitong laro upang maging matatag sa ikalawang puwesto sa likod ng pahinga ngayong Ateneo de Manila University na may malinis na 6-0 win-loss slate.

Binanderahan naman ni Ken Acebar ang Adam-son Baby Falcons sa pag-poste ng double-double performance laban sa University of the East Pages tungo sa kanilang 88-82 panalo.

Nagtulong naman sina Juan Sanchez at Jason Espiritu upang ihatid ang UP Integrated School sa 71-66 panalo laban  sa University of Santo Tomas Tiger Cubs.

Nagposte sina San-chez at Espiritu ng tig-15-puntos para sa ikaapat na panalo ng UP Baby Maroons sa pitong laro.

Bumagsak ang Tiger Cubs sa 2-5 karta at lalo namang nabaon ang UE at NU sa kanilang 1-6 at 0-7 rekord, ayon sa pag-kakasunod. (Mae Balbuena)

vuukle comment

BABY FALCONS

BABY MAROONS

BABY TAMS

FAR EASTERN

FAR EASTERN UNIVERSITY BABY TAMS

INTEGRATED SCHOOL

JASON ESPIRITU

JENS KNUTTEL

JUAN SANCHEZ

KEN ACEBAR

MAE BALBUENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with