^

PSN Palaro

Titulo idedepensa ni Viloria

-
Opensa ang posib-leng maging mahusay na depensa ni Brian Viloria sa kanyang paki-kipagsagupa sa Mexican challenger na si Omar Nino Romero sa kani-lang World Boxing Council (WBC) light flyweight title fight sa Huwebes ng gabi (Biyer-nes ng umaga sa Manila) sa Orleans Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Nais ng trainer ni Vilo-ria na si Freddie Roach na maagang umatake ang kampeon. "I don’t want Brian pulling back from this guy," ani Roach

"I like Brian best when he’s aggressive and let’s the big shots go, not when he’s laying back and countering. If he backs up and lets this guy come forward, it will be to the other guy’s advantage," wika pa ni Roach.

Taglay ni Romero ang impresibong record na 23 wins kabilang ang 10 knockout, dalawang talo at isang draw. Ang kan-yang malaking tagumpay na nagawa ay ng kan-yang talunin ang kapwa niya Mexicano at kasalu-kuyang WBC flyweight ruler na si Jorge Arce.

Ang dalawang na-banggit ay kapwa walang talo sa apat na laban ng pigilan ni Romero si Arce sa isang round lamang.

Napanood na ni Roach ang ilang laban ni Romero sa tape at inila-rawan niya ang tubong Guadalajara, Mexico na isang mabigat, come-forward fighter, mabagal ngunit mapanganib na mayroong malalakas na kanan.

Ngunit ang kanyang bilis ang naging mitsa rin ng kabiguan ni Romero.

"He’s no bullet-proof," pahayag pa ni Roach "Brian’s hand speed and power will be very critical in this fight."

Batid ni Viloria, na ang kanyang mga magulang ay kapwa Pinoy kung ano ang kanyang gagawin.

Sa taglay na 19-0 record kabilang dito ang 12 knockout wins. Ngunit ang hindi gaanong kum-piyansa ang kanyang manager na si Gary Gittelsohn.

"There is no easy fight in this division," wika naman ng manager ni Viloria. "This guy (Ro-mero) will be in the fight."

Ito ang ikalawang depensa ni Viloria sa kanyang korona na napagwagian laban kay Erik Ortiz noong naka-raang taon. Tinalo rin niya si Jose Antonio Aguirre noong nakaraang Peb-rero sa kanyang unang title defense.

Ang Viloria-Romero title bout ay ipalalabas sa wide screen sa Robin-son’s Galleria Fountain Area at sa Tastebuds sa Robinson’s Place Manila, simula alas-10 ng umaga. Iplalabas ito ng Solar Sports, ang tahanan ng mga Filipino boxing champion simula sa alas-10 ng umaga may replays mula alas-7-9 ng gabi kinabukasan.

ANG VILORIA-ROMERO

BRIAN VILORIA

ERIK ORTIZ

FREDDIE ROACH

GALLERIA FOUNTAIN AREA

GARY GITTELSOHN

JORGE ARCE

JOSE ANTONIO AGUIRRE

VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with