Siyam na bagong marka ang inirehistro ng 21 anyos na Production Design graduate ng DLSU na si Yap, bukod pa sa isang rekord na pinantayan.
Ang 2 pang ibang records ay nairehistro ng womens at mens team sa Olympic recurve team event.
Nakopo naman ng mga Pinoy ang kabuuang 13 medalya, kabilang na ang tatlong ginto ni Amaya Paz at Yap sa compound bow division.
Ang mga bagong records ay ang 1,379 point sa FITA Round, 331 (70 meter distance, 347 (70m), 345 (50m), 343 (12-arrow final round), 4,024 (Team FITA round), 343 (36 arrow-final match) at 271 (Olympic Round team event 4x6).
Binura ni Yap ang marka ni Raul Arambulo na itinala noong Setyembre 2002 at Pebrero 2005 sa siyam na events. Pinantayan din niya ang 116 marka sa 12 arrow final match na isinumite ni Carlos Carag noong Mayo 2002.
Ang bagong standard para sa womens recurve Olympic team event para sa 4x6 arrow match ay 196 na itinala nina Jasmin Figueroa, Rachelle Ann Cabral at Katherine Annalyn Santos na nilagpasan ang dating record na 176 na naitala noong June 24 sa POC Festival/National Target championships.
Inilista naman nina Mark Javier, Paul Marton dela Cruz, Christian Cubilla at Renato Bartolome ang markang 197 upang maungusan ang 190 nina Javier Joseph Solitario, Ian Wayne Larswen at Neil Divinagracia sa Olympic team 4x6 arrow match.
Pinakamaningning pa rin si Paz na bukod sa ginto ay may tatlong silvers at pantayan ang 1,373 FITA round record na ipinoste noong Disyembre sa 23rd SEA Games.