Ngunit ang malaking katanungan ay kung paano nila ito makukuha mula sa Ginebra.
Abala na ang Paint Masters sa pagbuo ng kompetitibong koponan para sa kanilang nakatakdang pagpasok sa PBA na magbubukas ng kanilang 2006-2007 season sa Oktubre.
Kahit gustong kunin ng Welcoat si Adducul na napababalitang nais nang umalis sa Gin Kings, wala silang maiaalok na player sa Ginebra maliban sa kanilang future draft picks.
Umaasa ang Welcoat na makabingwit ng malalaking player sa dispersal draft bukas.
Sa naturang dispersal draft, maaaring makakuha ng dalawang player ang Welcoat mula sa siyam na koponan na hindi kasama sa protected list ng mga teams.
Bukod dito, hangad din ng Welcoat na makakuha ng mahusay na manlalaro sa Annual Draft Pick ng PBA na gaganapin sa Agosto 20 sa Market Market sa Taguig.
Samantala, sa 2006 PBA Rookie Camp, nagposte si Abby Santos ng double-double performance nang kanyang pamunuan ang White Team sa 61-51 victory laban sa Yellow Team sa PhilSports Arena.
Nagposte ang 6-foot-4 forward ng 20 points at 10 rebounds para sa White Team na nanalo kahit na wala sina Arwind Santos na prospective No. 1 pick sa PBA Draft, LA Tenorio at Joseph Yeo dahil kasama ang tatlong ito sa Philippine Team na sumabak sa Qatar at dumating kahapon lamang.
Nagpamalas din ng kanyang husay si Mark Isip para sa Yellow Team at isa sa binabantayan ng San Miguel para sa kanilang draft pick. (Mae Balbuena)