^

PSN Palaro

Pag-asa sa Asiad billiards nabawasan

-
Mababawasan ang pag-asa sa gintong medalya sa larong billiard sa Asian Games na gaganapin sa Doha, Qatar sa December 1-15 dahil ayaw sumali ng top-three players ng bansa na sina Efren "Bata" Reyes, Francisco "Django" Bustamante at Marlon Manalo sa qualifying tournament ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines.

Dahil sa commitment na maglaro sa World Cup of Pool sa Newport, Wales sa huling bahagi ng buwang ito, hindi makakalaro ang tatlo sa BSCP National Open na magsisilbing qualifying tournament ng bilbiards sa Asian Games ng RP team na nakatakda sa Aug. 15-20 sa Ninoy Aquino Stadium.

"It’s their decision," ani BSCP president Ernie Fajardo sa PSA Forum sa Pantalan Restaurant sa Manila.

Sa World Cup, nakataya ang $60,000 sa champion.

Samantala, mga beterano kontra sa mga kabataan.

Ito ang nais buuin sa BSCP National Pool championship kung saan maghaharap-harap ang mga beteranong cue artists at mga bagong henerasyon sa billiards.

"The National Pool Championship is an opportunity to have most if not all of our best and promising cue artists compete for the prestige and honor of being declared as the official national champion," ani Yen Makabenta, Billiards and Snooker Congress of the Philippines chairman.

Kasama ni Makabenta na dumalo sa sesyon si BSCP president Ernesto Fajardo at ang powerhouse cast entries sa tournament na babanderahan ni Rodolfo "Boy Samson" Luat, na sariwa pa sa kanyang pagkapanalo sa Kaohsiung leg ng San Miguel Asian 9-Ball Tour, Pinoy cue aces Dennis Orcollo, third sa International Professional Tour North American Open, SEAG gold medalist Warren Kiamco at Ronnie Alcano.

Lalahok din si California-based Jose "Amang" Parica. Nagpasabi na rin si 2004 World Pool champion Alex Pagulayan, triple gold medalist sa 2005 Philippine Southeast Asian Games sa paglahok sa torneong magbibigay ng top prize na P1 million sa champion at apat na slots sa World Pool Championship sa Manila sa November.

"If among the top four finishers in the tournament have already qualified for the World Pool Championship, then those next in line will get the berths," ani pa ni Makabenta.

ALEX PAGULAYAN

ASIAN GAMES

BALL TOUR

BILLIARDS AND SNOOKER CONGRESS OF THE PHILIPPINES

BOY SAMSON

DENNIS ORCOLLO

ERNESTO FAJARDO

ERNIE FAJARDO

INTERNATIONAL PROFESSIONAL TOUR NORTH AMERICAN OPEN

WORLD POOL CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with