Matapos makatikim ng panalo para makabangon mula sa unang apat na kabiguan, kakaibang Tamaraws ang nakalaban ng Falcons na naiwan ng 24-puntos, nang ibandera ng Far Eastern ang pinakamalaking kalamangan na 70-46.
Umangat ang Tamaraws sa 2-4 win-loss record ngunit nananatili pa rin sila sa ilalim ng team standings habang bumagsak naman sa 3-3 kartada ang Adamson.
Samantala, pinatawan si National University guard Jonathan Jahnke ng minimum one-game suspension matapos mapatalsik sa kanilang laban kontra sa UP Maroons nang mahuli itong nanuntok kay Vicmel Epres.
Sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Araneta Coliseum, tangka ng league leader na Ateneo de Manila University (5-0) na masweep ang unang round ng eliminations sa pakikipagharap sa University of Santo Tomas (2-3) sa tampok na laro sa alas-4:00 ng hapon.
Bago ito ay maghaharap naman ang host University of the East (3-3) at ang University of the Philippines (2-3) sa ganap na alas-2:00 ng hapon.
Sa juniors game, nakumpleto ng Ateneo Blue Eaglets ang six-game sweep ng first round matapos igupo ang Tiger Cubs, 95-85.
Sa womens division, tabla na ngayon sa 5-1 record ang defending champion Ateneo at FEU matapos ang panalo ng Lady Eagles sa UE, 36-28 at 48-43 tagumpay ng Lady Tams sa Lady Maroons habang nanalo din ang Lady Falcons sa Tigresses, 62-57. (Mae Balbuena)