^

PSN Palaro

Luat, Django pasok sa semis

-
KAOHSIUNG, Taiwan — Muling ipinagpatuloy ni Rodolfo Luat ang kanyang pananalasa sa San Miguel Asian 9-Ball Tour ng umusad ito sa semifinals, ang araw kung saan hindi rin nagpahuli ang kapwa Pinoy na si Francisco ‘Django’ Bustamante na inihakbang rin ang kanyang kampanya sa susunod na round.

Isang malaking upset na panalo ang itinala ni Luat ng kanyang payukurin ang reigning World Champion na si Wu Chiaching, 9-3 dito sa Kaohsiung Business Exhibition Center.

Ginapi naman ni Bustamante ang defending Tour champion na si Yang Chingshun upang ipaghiganti ang masaklap na kabiguan ng kababayang si Gandy Valle.

Ang manlalarong kilala sa tawag na ‘Boy Samson’, ay naging epektibo ang sistema kumpara sa laro ng batang Taiwanese. Nagsimula na wala man lamang makikitang nerbiyos at sineguro ang kanyang sarili na maging kumpiyansa laban sa world class titlist, nakuha ni Luat ang tempo ng ibulsa ang first rack ng mascratched ang cue ni Wu sa corner pocket sa tangka nitong 2-ball, gayunpaman, nagawang makasagot ni Wu ng kanyang ipasok ang dalawang sunod na racks para iposte ang kanyang bentahe sa 1-3.

Pero isa pang panibagong uncharacteristic foul ni Wu sa four ball sa 4th rack ang muling nagdala sa Filipino sa kontensiyon at kanyang nilinis ang lamesa para sa 2-3 pagkakadikit ng iskor.

At pagkabigo sa safety sa 2-ball ni Wu sa sumunod na rack at ang mahusay na pagsablay sa 2-9 combinations sa sumunod na frame ang naging daan ni Luat upang maipanalo ang 6 rack-winning streak para sa kanyang pag-usad sa semis.

Hindi makapaniwala ang mga kababayan ni Wu sa kanyang naging performance ng sa bawat stage ng laban ay gumagawa ito ng foul shot. Ang pag-scratch sa break sa 6th rack, foul sa 8th ilang pares ng dramatikong run outs at 1-9 combo mula kay Luat ang nagbigay sa Filipino ng kampanteng 7-2 pangunguna patungo sa 10th rack.

Sinikap ng batang billiard phenom na ibigay ang kanyang A-game sa lamesa, subalit maliwanag na wala sa kanya ang suwerte at ito ay nasa panig ni Luat kung saan nakalusot lamang si Wu ng isang beses sa 10th. Mula dito, tuluyan ng isinara ni ‘Boy Samson’ ang laban sa two rack winning streak sa 9-3.

BALL TOUR

BOY SAMSON

BUSTAMANTE

GANDY VALLE

KANYANG

KAOHSIUNG BUSINESS EXHIBITION CENTER

LUAT

RACK

RODOLFO LUAT

WU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with