^

PSN Palaro

Pinoy judokas kumpiyansa

-
HO CHI MINH — Armado ng matagumpay na paglahok sa mga international stint, kumpiyansa ang Philippine judo team na muling makapagbibigay sa bansa ng karangalan sa pagsisimula ngayon ng kanilang kampanya sa 15th Vietnam International Judo Tournament sa Army Indoor Stadium dito.

Mula noong nakaraang 23rd Southeast Asian Games noong nakaraang taon, isa sila sa nakatulong sa bansa upang mapagwagian ng Pilipinas ang kaunaunahang championship, muling ipagpapatuloy ng Filipino judokas ang kanilang mahusay na performance sa iba’t ibang international competitions, na naghulma sa kanila bilang isa sa maasahang mapagkukunan ng bansa sa inaasahang gintong medalya sa nalalapit na Asian Games sa Doha, Qatar.

Babanderahan ng seventime Southeast Asian Games gold medalist na si John Baylon ang 8man crew na ipinadala dito ng Philippines upang masubukan ang kanikanilang tikas laban sa mga mahuhusay na judokas sa rehiyon sa dalawang araw na kompetisyon.

Bukod kay Baylon, ang iba pang miyembro ng koponan na lalahok dito ay ang kapwa niya SEA Games gold medal winner na sina Gilbert Ramirez, Oliver Franco, Aristotle Lucero, Jayson Senales, FilJapanese Tomohiko Hoshina, Nancy Quillotes, at Estie Gay Liwanen. Tatayong coach si Melvin Magata kasama si Baylon na gigiya sa koponan.

Ang Pinoy judokas ay mapapasama sa mga pambato mula sa powerhouse Japan, South Korea, Thailand, Sri Lanka, Laos, Malaysia, ChineseTaipei, Myanmar, at host Vietnam, na nagpadala ng apat na koponan.

vuukle comment

ANG PINOY

ARISTOTLE LUCERO

ARMY INDOOR STADIUM

ASIAN GAMES

BAYLON

ESTIE GAY LIWANEN

GILBERT RAMIREZ

JAYSON SENALES

JOHN BAYLON

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with