At sa araw na ito, ihahayag ng PBA ang kanilang desisyon kung tatanggapin o hindi ang naturang trade na lumikha ng malaking isyu dahil ang Ginebra lamang ang nakinabang ng husto sa naturang trade kung saan nakuha nila sina Billy Mamaril at Rafi Reavis mula sa Coca-Cola.
Pinaghinalaan ng ibang member teams ng PBA na ginamit lamang ang Air21 bilang middle-man ng sister teams na Coke at Gin Kings ngunit mariin itong itinanggi ng Express.
Ayon sa team ma-nager ng Express na si Lito Alvarez, nakuha nila ang kanilang kailangan. Ang back-up ni Wynne Arboleda sa katauhan ni Aries Dimaunahan at- isang pamalit na big man sa katauhan naman ni Ervin Sotto.
Itinanggi rin ng Air21 na ipamimigay nila ang kanilang No. 2 draft pick sa PBA Annual Draft na nakatakda sa Agosto 20 sa Market Market sa Taguig.
May lumabas na bali-tang ipapasa ng Air21 ang kanilang No. 2 pick sa Ginebra.
Sa Air21 din ang No. 4 pick ngunit sinabi ni Alvarez na gagamitin nila itong trade bait sa mga koponang interesado.
May balitang gaga-mitin ng Air21 ang kani-lang No. 2 pick para sa Fil-Am na si Kelly Williams na nabigyan na ng go-signal na lumahok sa draft sinabi ni Alvarez na kailangan nila ng shooter sa team.
Ipinaliwanag din ni Alvarez na inalok sa kanila ng Ginebra sina Romel Adducul, Andy Seigle at Sunday Salvacion ngunit hindi nila ito tinanggap.
Ayon kay Alvarez, hindi nila kailangan si Adducul dahil naririyan sina Yancy at Ranidel De Ocampo bukod pa kina Mark Telan at Homer Se.
Sina Seigle at Salva-cion naman ay kailangan pang makarekober mula sa kani-kanilang injuries.