^

PSN Palaro

‘Bata,’ 4 pang Pinoy sasabak

-
KAOHSIUNG, Taiwan -- Kabilang sina Efren ‘Bata Reyes at apat pang Pinoy sa mga seeded players sa pagbubukas ng aksiyon sa group stage sa Harbour City ng Taiwan sa ikatlong leg ng four-city 2006 San Miguel Asian 9-Ball Tour dito sa Kaohsiung Business Exhibition Center.

Puro Taiwanese ang kalaban ng apat na Pinoy sa unang round kung saan makakaharap ni Reyes, nanalo sa opening leg sa Ho Chi Minh City, si Nien Rong-chih ng Taiwan sa TV table sa alas-6:00 ng gabi (Manila Time) na mapapanood sa STAR Sports channel bago nito sagupain si Masaaki Tanaka ng Japan sa table 4 sa alas-9:00 ng gabi na pareho niyang kasama sa Group 3.

Ang Bangkok leg champion naman na si Ramil Gallego ay sasagupa sa Taiwanese billiard phenom na si Wu Chia-ching sa alas-6:00 ng gabi at Keng Kwang ng Singapore sa alas-9:00.

Tanging si Francisco Bustamante lamang ang nakaiwas sa mga Taiwanese sa kanyang pagsabak sa Group 2 laban kay Thai Amnuayporn Chotipong na ipapalabas sa alas-3:30 ng hapon at Vietnamese Vu Trong-Khai sa alas-9:00.

Bubuksan nama ni Rodolfo Luat ang kanyang kampanya sa Group 6 laban kay Taiwanese Wang Hung-hsiang kasunod ang laban kontra kay Indonesian Ricky Yang. Sasabak sa group 8 si Gandy Valle, ang 2005 Asian Tour Champion, laban kina hometown favorite Yang Chin-Shun at Malaysian Ibrahim Bin Amir.

ANG BANGKOK

ASIAN TOUR CHAMPION

BALL TOUR

BATA REYES

FRANCISCO BUSTAMANTE

GANDY VALLE

HARBOUR CITY

HO CHI MINH CITY

INDONESIAN RICKY YANG

KAOHSIUNG BUSINESS EXHIBITION CENTER

KENG KWANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with