^

PSN Palaro

Diretso sa 7 asam ng San Beda

-
Huling nagkampeon sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang San Beda College noong 1978 sa likod nina Chito Loyzaga, JB Yango at Frankie Lim.

Matapos agawin ng Red Lions ang liderato mula sa nagdedepensang Letran Knights, malaki na ang inasahan sa koponan ni coach Koy Banal.

"Okay sa akin ‘yung pressure kasi ito ‘yung isang bagay na ginagamit naming motivation," wika ni Banal, dati ring naging Red Cub. "Pero sabi ko nga, malayo pa ang kare-ra at marami pang mangyayari dito sa second round."

Nasa kanilang six-game winning streak, sasagupain ng San Beda ang five-time champions San Sebastian College ngayong alas-2:00 ng hapon bago ang bangga-an ng Mapua Tech at Jose Rizal University sa alas-4:00 sa second round ng 82nd NCAA men’s basket-ball tournament sa Ninoy Aquino Stadium.

Katabla ng Red Lions, nagmula sa 84-69 paggi-ba sa Heavy Bombers noong Lunes, ang Knights mula sa magkatulad nilang 7-1 rekord kasunod ang PCU Dolphins (6-2), Cardinals (5-3), Stags (3-5), UPHD Altas (2-6), Heavy Bombers (1-7) at St. Benilde (1-7).

Sa nasabing tagum-pay ng Mendiola-based cagers, kumolekta si 6-foot-8 Nigerian Samuel Ekwe ng triple-double mula sa kanyang 10 pun-tos, 13 rebounds at 11 shotblocks, habang nag-lista naman si Yousif Aljamal ng 19 marka kasunod ang 15 ni John Escobal.

Sa ikalawang laro, target naman ng Cardi-nals ni Horacio Lim ang kanilang ikalawang dikit na panalo matapos igupo ang Stags, 76-57, noong Lunes. (RCadayona)

vuukle comment

CHITO LOYZAGA

FRANKIE LIM

HEAVY BOMBERS

HORACIO LIM

JOHN ESCOBAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KOY BANAL

LETRAN KNIGHTS

MAPUA TECH

RED LIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with