Ito ang paglilinaw ng koponan ng Tigers matapos lumabas ang mga balita noong nakaraang linggo na magdidisbanda na ang koponan matapos ang kontrobersiyal na trade na kinasangkutan ng Coke, Ginebra at Air21.
Pormal na naglabas ng statement ang CocaCola Management kahapon tuluyan nang tapusin ang isyu ukol sa pagdidisbanda ng koponan. Sa naturang statement, sinabi nina Bobby Huang, presidente ng Coca-Cola Bottlers Philippines Inc.(CCBPI) at PBA Governor ng Coca-Cola Tigers na mananatili ang Tigers sa liga at wala silang balak magdisbanda.
Samantala, magkakaroon ng informal meeting ang PBA Board kasama ang bagong chairman na si Ricky Vargas ng Talk N Text at posibleng mapag-usapan ang isyu tungkol sa kontrobersiyal na trade.
Pangunahing agenda ang trade kung saan ang pinakamalaking pakinabang ay ang Ginebra, sa pormal na meeting bukas ng mga Board of Governors kung saan tatalakayin kung walang nilabag na PBA rules ukol sa direct trade sa pagitan ng mga sister teams na Coke atGinebra.
Pumalag ang mga ibang teams sa 7-player trade na kinasangkutan nina Billy Mamaril at Rafi Reavis na napunta sa Ginebra mula sa Coke bukod pa sa rights kay Rudy Hatfield. Nakuha ng Express sina Ervin Sotto at Aries Dimaunahan matapos pakawalan sina Ryan Bernardo at future draft picks habang napunta naman sina Manny Ramos at Kalani Ferreira sa Tigers. (Mae Balbuena)