^

PSN Palaro

Aban nagbida sa Letran

-
Inasahan na ni coach Louie Alas na magiging pahirapan ang lahat ng mga laro sa second round ng 82nd NCAA men’s basketball tournament.

Pinatotohanan ito ng 71-63 panalo ng nagde-depensang Letran College sa College of St. Benilde na tinampukan ng 19 puntos, 8 rebounds, 3 assists at 1 steal ni Aaron Aban kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

"Expected naman namin talaga na lahat ng laro ngayon sa second round puro close games," ani Alas sa 52-56 pag-kakaiwan ng kanyang Knights sa Blazers sa third period. "Lahat ng teams ngayon eager to win, kaya hindi mo puwe-deng i-dis-count kahit na mahinang team."

Isang 11-4 bomba ang inihulog ng Letran, may 7-1 karta katulad ng San Beda kasunod ang PCU (7-2), Mapua (5-3), San Sebastian (3-5), UPHD (2-6), Jose Rizal (1-7) at St. Benilde (1-7), para agawin ang unahan, 63-60, tampok ang 3-pointer ni Aban sa huling apat na minuto ng final canto.

Huling nakatabla ang Blazers sa 63-63 buhat sa tres ni Kris Robles bago ang pagtipa ng Knights sa huling limang puntos.   

Sa inisyal na laro, tu-mipa naman si point guard Jason Castro ng 16 puntos, 8 boards, 4 assists, 1 steal at 1 block para igiya ang Philippine Christian University sa 64-54 panalo kontra Uni-versity of Perpetual Help Dalta.

Sa juniors’ class, igi-nupo naman ng Baby Dol-phins (5-2) ang Altalettes (1-6) mula sa kanilang 86-76 pananaig tampok ang 15 marka, 19 rebounds, 3 assists, 3 steals at 2 blocks ni Elvin Pascual. (Russell Cadayona)

vuukle comment

AARON ABAN

BABY DOL

COLLEGE OF ST. BENILDE

ELVIN PASCUAL

JASON CASTRO

JOSE RIZAL

KRIS ROBLES

LETRAN COLLEGE

LOUIE ALAS

NINOY AQUINO STADIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with