^

PSN Palaro

Nasa limbo pa rin ang Pilipinas Basketball – Eala

-
Inamin kahapon ni PBA Commissioner Noli Eala na wala pa ring nangyayari ukol sa inilalaban ng Pilipinas Basketball at ng Philippine Olympic Committee (POC) na mapalitan ang sinibak na Basketball Association of the Philippines (BAP). 

"All I know is that there are efforts that are being undertaken by the POC in coordination with the members of Pilipinas Basketball to bring our case to the FIBA Central Board and FIBA Congress in its conference in Saitama, Japan this August," ani Eala. 

Upang mapalakas ang kanilang kaso kontra sa BAP ni Joey Lina, sinabihan ni POC president Jose "Peping" Cojuangco, Jr. ang Pilipinas Basketball na magsumite ng ilang dokumento sa pagharap sa FIBA sa Agosto 27-28 sa Saitama, Japan. 

"We have been requested to prepare our profiles, our video footages in support of our desire that the FIBA to consider Pilipinas Basketball as a suitable replacement and cut the affiliate of the BAP," wika ni Eala. 

Ang Pilipinas Basketball, itinutulak ng POC bilang kapalit ng BAP, ay binubuo ng PBA, PBL, UAAP at NCAA.     

 Sa pulong ng FIBA Asia sa Taiwan, kinatigan nito ang pag-aalis sa BAP ng suspensyon mula sa rekomendasyon nito sa FIBA Central Board na siya namang maghihintay sa desisyon ng FIBA Congress. 

Matatandaang sinibak ng POC General Asembly ang BAP bilang miyembro noong Hunyo ng 2005 na naging dahilan ng pagpataw ng FIBA ng suspensyon at karapatang makalahok sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games at sa darating na 15th Asian Games. (Russell Cadayona)

ALL I

ANG PILIPINAS BASKETBALL

ASIAN GAMES

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CENTRAL BOARD

COMMISSIONER NOLI EALA

EALA

FIBA

GENERAL ASEMBLY

PILIPINAS BASKETBALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with