^

PSN Palaro

Letran Knights babalikwas

-
Hindi pa naghihilom ang ‘sugat’ na idinulot ng San Beda College sa nagdedepensang Letran College noong Biyernes. 

"I admit na talagang maganda ang inilaro ng San  Beda last Friday. They limited our top gunners to single digit points, like Boyet (Bau-tista) and Aaron (Aban) because of their defense," ani coach Louie Alas sa Knights. "But we have to move on and focus on our next game."

Sasagupain ng Letran ang College of St. Benilde Blazers ngayong alas-4 ng hapon mata-pos ang upakan ng PCU Dol-phins at UPHD Altas sa alas-2 sa second round ng 82nd NCAA men’s basketball tournament sa Ninoy Aquino Stadium. 

Sa likod ng kanilang five-game winning streak, nakuha ng Red Lions ang li-derato buhat sa kanilang 7-1 rekord kasunod ang Dolphins (5-2), Mapua Cardinals (5-3), five-time champions San Sebas-tian Stags (3-5), Altas (2-5), Blazers (1-6) at Jose Rizal U Heavy Bombers (1-7). 

Nagmula ang Letran sa 49-57 kabi-guan sa mga ka-may ng San Beda, habang nang-galing naman ang St. Benilde sa 61-66 pagka-talo sa PCU.

Sa unang laro, sisika-pin naman ng PCU na manatili sa No. 3 spot sa pagharap sa UPHD, nakatikim ng isang 45-61 pagkatalo sa San Beda. 

Sa kanilang unang pagtatagpo sa first round, tinalo ng Knights ang Blazers, 65-44, samanta-lang iginupo naman ng Dolphins ang Altas, 66-63, na naglista sa 2004 NCAA titlist ng kanilang three-game winning run. (Russell Cadayona)

vuukle comment

ALTAS

COLLEGE OF ST. BENILDE BLAZERS

JOSE RIZAL U HEAVY BOMBERS

LETRAN

LETRAN COLLEGE

LOUIE ALAS

MAPUA CARDINALS

NINOY AQUINO STADIUM

RED LIONS

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with