^

PSN Palaro

Matindi ang bangis ng Red Lions

-
Hindi na mapigilan pa ang mabangis na Red Lions. 

Inilista ni 6-foot-8 Nigerian Samuel Ekwe ang kauna-unahang triple-double mula sa kanyang 10 puntos, 13 boards at 11 shotblocks para tulungan ang San Beda sa 84-69 paggupo sa Jose Rizal University at angkinin ang pamumuno sa second round ng 82nd NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Ninoy Aquino Stadium. 

Sa bisa ng kanilang five-game winning run, kinuha ng Red Lions ang liderato mula sa kanilang 7-1 rekord kasunod ang nagdedepensang Letran Knights (6-1), PCU Dolphins (5-2), Mapua Cardinals (5-3), San Sebastian Stags (3-5), UPHD Altas (2-5), St. Benilde Blazers (1-6) at Heavy Bombers (1-7). 

"Whatever happens I give glory to the Lord for giving me this strength," sambit ni Ekwe, nagsalpak ng dalawang two-handed slam dunk sa third quarter kung saan itinayo ng San Beda ang 60-48 bentahe sa huling 3:02 nito mula sa drive ni John Escobal.

 Huling nailapit ng Heavy Bombers, nasa kanilang three-game losing skid ngayon, ang laro sa 65-72 sa 5:49 ng final canto mula kina Floyd Dedicatoria at Marvin Hayes bago ang isang 10-0 bombang inihulog ng Red Lions, walo rito ay kay Yousif Aljamal, para sa kanilang 82-65 lamang, 1:47 rito. "I thought we did not do a good job in the first half," ani mentor Koy Banal sa San Beda na dinikitan ng Jose Rizal sa pagpinid ng second period, 35-37.

"But in te second half, everybody woke up and play our usual game."  Sa unang laban, tinalo naman ng Mapua ang five-time champions San Sebastian, 76-57, para sa kanilang two-game winning streak. "Our game plan is to attack the inside so that when they are tired we can run them down, and then that’s it," ani mentor Horacio Lim sa kanyang Mapua. (RC)

FLOYD DEDICATORIA

HEAVY BOMBERS

HORACIO LIM

JOHN ESCOBAL

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

RED LIONS

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with