^

PSN Palaro

Matayog pa rin ang lipad ng Blue Eagles

-
Dinagit ng Ateneo de Manila University Eagles ang kanilang ikalimang sunod na panalo upang higit na mamayagpag sa tuktok ng team standings ng UAAP men’s basketball tournament na nagpatuloy kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Humataw sa ikalawang quarter ang Ateneo upang makadistansiya sa host University of the East tungo sa kanilang 8275 panalo na lalong nagpatatag sa kanila sa pangkalahatang pamumuno.

Gumamit ang Eagles ng 182 atake sa ikalawang quarter upang kunin ang 4634 bentahe sa halftime at ipalasap sa UE Red Warriors ang kanilang ikalawang talo sa limang laro.

"I give all the credit to the boys for executing the plays," ani coach Norman Black sa Ateneo.

Samantala, nakatikim na rin sa wakas ang defending champion Far Eastern University ng panalo matapos igupo ang University of the Philippines, 9486.

Bumangon mula sa apat na sunod na kabiguan ang FEU Tamaraws sa pangunguna ni Jonas Villanueva na umiskor ng gamehigh na 28puntos upang ipalasap sa UP Maroon ang kanilang ikatlong talo sa apat na laro.

"Sa wakas," sigaw ni coach Bert Flores ng FEU. "Ipinakita talaga ngayon ng mga bata ‘yung heart at pride nila sa larong ito. We also executed well in the end game." (Carmela Ochoa)

ATENEO

BERT FLORES

CARMELA OCHOA

FAR EASTERN UNIVERSITY

JONAS VILLANUEVA

MANILA UNIVERSITY EAGLES

NINOY AQUINO STADIUM

NORMAN BLACK

RED WARRIORS

UNIVERSITY OF THE EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with