^

PSN Palaro

Hatfield magbabalik sa Coca-Cola Tigers

-
Tila maganda ang hinaharap ng Coca-Cola Tigers sa 2006-2007 season ng Philippine Basketball Association nang magpahayag ng intensiyon si Rudy Hatfield sa kanyang pagbabalik sa hardcourt.

Ang 6’4 na si Hatfield, isang monster rebounder at player na hnahangaan sa kanyang work ethics at tumulong sa Tigers sa ilang pares ng kampeonato.

Tinalo ng Tigers ang Alaska Aces, 3-1 para pagharian ng 2002 All-Filipino Cup at tinalo ang San Miguel Beer, 4-3 para naman sa  2003 Reinforced Conference title.           

Sa katunayan, noong 2003, nakopo din ni Hatfield ang Most Valuable Player plum nang daigin si Paul Asi Taulava ng Talk N Text para sa parangal.

Nang sumunod na season nasuspinde si Hatfield kasama sina Fil-foreign players Taulava, Eic Menk ng Barangay Ginebra , Davonn Harp at Mick Pennisi  ng Red Bull at iba matapos ang imbestigasyon ng Department of Justcie ukol sa kanilang Filipino heritage

Nasiraan ng loob, umuwi sa Amerika si Hatfield upang subukan ang kanyang suwerte sa pagiging wrestler at ngayon ay isang firefighter.

   Natapos na ang kontrobersiya tungkol sa Fil-sham at naibalik na ang mga Fil-foreign players sa PBA lalo na yung mga naging miyembro ng Philippine team. Ngunit bagamat puwede na si Hatfield maglaro uli, hindi ito nagbalik

Ngayon isang opisyal ng Coca-Cola ang nagsabing tumanggap siya ng tawag kay Hatfield at ipinadala ang kanyang intensiyong maglaro uli sa PBA sa Coca-Cola Tigers at malugod namang tatanggapin ang kanyang pagbabalik. (ACZaldivar)

ALASKA ACES

ALL-FILIPINO CUP

BARANGAY GINEBRA

COCA-COLA TIGERS

DAVONN HARP

DEPARTMENT OF JUSTCIE

EIC MENK

HATFIELD

MICK PENNISI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with