^

PSN Palaro

Bulldogs mas mabangis sa Tigers

- Carmela Ochoa -
Pinagbidahan nina Jonathan Fernandez  at Edwin Asoro ang panana-lasa ng National Univer-sity na naging mainit sa rainbow territory para hiyain ang University of Santo Tomas sa pama-magitan ng 98-85 panalo sa pagpapatuloy ng UAAP seniors basketball tournament sa Ninoy Aquino Stadium.

Tumapos si Fernan-dez ng 24-puntos kabilang ang anim na triples ha-bang nagsumite naman si Asoro ng 21 para sa Bulldogs na nagtala ng season-high na 13 triples tungo sa ikalawang pa-nalo ng National matapos ang limang pakikipagla-ban.

Ngunit hindi naging magaan ang panalo ng Bulldogs kahit na uma-bante sila ng 27-puntos sa ikatlong quarter, dahil nakagawa ng malaking opensiba ang UST Tigers.

Isang 16-0 run ang pinakawalan ng Uste na naglapit ng iskor sa 81-92 papasok sa huling 2:34 minuto ng labanan ngunit hindi nasustinihan ng Tigers ang kanilang pananalasa sanhi ng kanilang ikalawang talo sa apat na laro  na sumira ng kanilang back-to-back wins.

Pinangunahan ni Jojo Duncil ang Tigers sa kanyang 21 puntos ngunit napatalsik ito sa court, may 59 segundo ang nalalabing oras sa laro bunga ng kanyang dis-qualifying foul dahil sa panghe-head-butt kay Dave Catamora.

Samantala, nakopo ng Ateneo Blue Eaglets ang solong liderato sa juniors division matapos ang 88-83 panalo laban sa  FEU Baby Tams, nanalo ang UST Tigers Cubs 108-71 laban sa NU Bullpups, habang naitakas naman ng Adamson Baby Falcons ang 63-60 panalo laban sa UP Integrated School.    

ADAMSON BABY FALCONS

ATENEO BLUE EAGLETS

BABY TAMS

DAVE CATAMORA

EDWIN ASORO

INTEGRATED SCHOOL

JOJO DUNCIL

JONATHAN FERNANDEZ

NATIONAL UNIVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with