Pero kung titingnang maigi ang performance ng Blue Eagles, makikitang medyo nahihrapan din sila at hindi talaga convincing ang kanilang mga panalo.
Sinimulan nila ang kampanya sa pamamagitan ng 75-70 panalo kontra National University Bulldogs. Pagkatapos nito at nagwagi sila laban sa University of the Philippines Fighting Maroons, 98-89. Muntik na silang matalo sa ikatlo nilang laro kontra Adamson Falcons subalit naungusan nila ito, 73-72 sa isang three-point shot ni Chris Tiu. Noong Huwebes ay nakaligtas sila kontra nagtatanggol na kampeong Far Eastern University Tamaraws, 76-74 upang mapanatiling malinis ang kanilang record.
Sa apat na laro, ang average winning margin ng Ateneo ay 4.25 puntos lamang. Kaya naman marami pa rin ang nagdududa sa kakayahan ng Blue Eagles na makadiretso sa itaas at mapanalunan ang kampeonato.
Pero kung tatanungin mo si Black, tiyak namang sasabihin niya na "a win is a win no matter what and well take it!"
Na siyang tutoo naman. Dapat namang matuwa ang Blue Eagles dahil sa simula pa lang ng torneo ay dumadaan na sila sa butas ng karayom at nakakahanap sila ng paraan para magwagi. Kumbagay nasusubukan na kaagad ang kanilang endgame stability ngayon pa lang at ang karanasang ito ay makakatulong sa kanila pagtagal-tagal ng torneo.
Kasi, kung panay blowout naman ang panalo, wala silang matututunan. Baka isipin pa nila na sobra ang kanilang lakas at kayang-kaya nila ang lahat ng kalaban. At kapag ganito ang tumatak sa kanilang isipan at maging overconfident sila, baka ikatalo nila iyon sa dulo.
Sa ngayon, ang mga main men ni Black na talagang consistent mula sa opening day ay sina JC Intal, Doug Kramer at Macky Escalona. Si Intal ang leading scorer ng Blue Eagles sa average na 15 puntos kada laro. Sumunod si Kramer na may 14.5 samantalang si Escalona, na siyang humalili kay LA Tenorio bilang lead point guard ng Blue Eagles, ay mayroong 10.75. Nakakatulong din ng malaki si Rabeh Al-Husseinina mayroong 8.5 per game.
Bukas ay masusubukan ang tatag ng Blue Eagles dahil sa makakatagpo nila ang pre-tournament favorite University of the East Warriors sa ganap na 4 pm sa Ninoy Aquino Stadium. Tiyak na mapupuno ang venue ng laro ng mga supporters sa magkabilang panig.
Kasi nga, ngayon pa lang ay sinasabi ng karamihan na ang laban na ito ang siyang magiging preview ng championship match. Ang Blue Eagles at Warriors ang siyang pinakamalakas na teams sa torneo.
Ang sistey nakalasap na ng pagkatalo ang Warriors sa UST Growling Tigers kung kayat medyo hindi na ganoon kalaki ang pressure sa balikat ni coach Dindo Pumaren at ng tropa niya. Kasi, matapos na matalo sa UST ay nakabawi ang UE kontra NU Bulldogs. Ibig sabihin ay nagising na ang Warriors at hindi na sila magkukumpiyansa mula ngayon.