^

PSN Palaro

Pinoy cue artists ‘di mapigil sa pananalasa

-
Patuloy ang pananalasa ng mga Pinoy sa $2million IPT North American Open 8-Ball Championship nang pitong players sa pamumuno nina Efren"Bata" Reyes at Francisco "Django" Bustamante, ang nakapasok sa last 18 sa The Venetian sa Las Vegas, Nevada.

Ngunit ang pinakamaningning na panalo ay mula kay Marlon Manalo na nangunguna sa Group 75 na may apat na panalo at banderahan ang six-player cast na kinabibilangan nina Alex Pagulayan, Thorsten Hohmann, Gabriel Owen, Swede Marcus Chamat at Scot Rico Diks.

Nakasama sa isang grupo, nangailangan naman ng dalawang panalo sina Reyes at dating 9-world champion na si Bustamante kontra kina Fil-Am Santos Sambajon para magtapos ng may magkakatulad na tatlong tagumpay at makasiguro ng $30,000 premyo.

Apat na players ang magkakasama sa Group 74 na may 3 panalo kung saan nakuha nina Bustamante at Owen ang outright berths sa susunod na round habang tinalo ni Reyes si Ivica Putnik sa tiebreak para umusad.

Nakapasok din si Ronnie Alcano nang yariin niya sina Hohmann at Quinten Hann at Dee Atkins para sa ikatlo at huling puwesto.

Ngunit higit na nanalasa ang mga Pinoy sa Group 76 kung saan umusad sina Pagulayan, Dennis Orcollo at Rodolfo Luat na naglista ng tigatlong panalo kung saan kabilang sa kanilang tinalo ay sina Mika Immonen at Niels Feijen.

Sa siyam na Pinoy na nakalusot sa last 36, tanging sina Sambajon at Antonio Lining lamang ang hindi pinalad na makausad sa ikalimang round.

ALEX PAGULAYAN

ANTONIO LINING

BALL CHAMPIONSHIP

BUSTAMANTE

DEE ATKINS

DENNIS ORCOLLO

FIL-AM SANTOS SAMBAJON

GABRIEL OWEN

PINOY

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with