^

PSN Palaro

3 amateurs bitbit ng Welcoat sa PBA

-
Pormal nang isinumite ng Welcoat Paints ang pangalan ng tatlong players mula sa kanilang amateur team na bibitbitin nila sa kanilang pagpasok sa Philippine Basketball Association sa darating na season.

Pormal na isinumite ng Welbest Franchise sa PBA Commissioners Office ang pangalan nina Jay-R Reyes, Junjun Cabatu at ang Most Valuable Player na si Jay Sagad.

Kabilang sa pinagpilian ng Welcoat ay sina Ronjay Enrile at Samigue Eman ngunit mas pinili ng Welcoat na bitbitin ang kanilang mga big men para sa kanilang kampanya sa mas kompetitibong liga.

Ang 6-foot-seven na si Reyes ay mahusay sa shot blocks at rebounding na siyang naging susi sa tagumpay ng Letran Squires sa NCAA juniors. Naglaro ito sa University of the Philippines sa UAAP.

Ang 6-foot-5 naman na si Cabatu, anak ng dating PBA player na si Sonny, ay isang banger at naging pambato sa front court ng La Salle nitong huling limang taon.

Ang 6-foot-5 namang si Sagad ay naglaro naman sa College of St. Benilde sa NCAA mula sa kanyang paglalaro ng volleyball.

Inaasahang kukunin din ng Welcoat na bubuo ng kanilang professional team sina Marvin Ortiguerra, Jojo Tangkay, Eugene Tan at Gilbert Malabanan.

Bukod pa rito, hangad din ng Paint Masters na makabingwit ng malaking isda sa PBA Annual Rookie Draft na gaganapin sa Agosto 20 sa Market Market sa Taguig.

Bago ito, may pagkakataon din na makakuha ng mahusay na player ang Welcoat sa dispersal draft sa Agosto 10 kung saan ang Paint Masters ay pinayagang makakuha ng dalawang manlalaro mula sa unprotected players ng siyam na aktibong koponan.

Samantala, naging produktibo naman ang 2005-2006 season para sa PBA sa pagtaas ng gate receipts, attendance at television ratings base sa year-end report ni PBA Chairman Ely Capacio.

Inaasahang aabot ang net income ng PBA sa P26 milyon para sa season na ito na doble ng nakaraang season.

Tumaas ng 74.13 percent ang live attendance sa Metro Manila mula sa 423,701 na umakyat sa 737,782, tumaas ng 314,000 katao. May average game attendance na 6,647 katao na tumaas ng 63.15 percent mula sa 2004-05 season na siyang pinakamataas mula noong 1997 season. Tumaas din ng 14.34% ang gate receipts sa Metro Manila.

Hindi pa naisusumite ng TV coveror na ABC-5 ang kumpletong report ngunit sinabi ni Capacio na tumaas din ito dahil sa magagandang play-off matches.

Mayroon ding 101 kumpanya ang nagsilbing major o minor marketing partners na naging daan sa pagtatanghal ng mga laro sa tatlong bagong provincial venues Tubod, Lanao del Norte, Cabagan, Isabela at San Fernando, La Union at isang international game sa Hong Kong.

AGOSTO

CHAIRMAN ELY CAPACIO

COLLEGE OF ST. BENILDE

COMMISSIONERS OFFICE

EUGENE TAN

GILBERT MALABANAN

HONG KONG

METRO MANILA

PAINT MASTERS

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with