^

PSN Palaro

‘Ekwe-lizer" Nangunguna

GAME NA! - Bill Velasco -
Ang laking pagkakaiba ng may malaking sentro sa basketbol, kahit na ba siya’y baguhan. Iyan ang situwasyon ngayon ng San Beda Red Lions, na uhaw na uhaw para sa isang NCAA men’s basketball championship. Ang pinag-uusapan, ang kanilang Nigerian rookie na si Sam Ekwe.

Puspusan ang ensayo ng Red Lions noong isang araw sa adidas Sports Kamp, kung saan kasama pati ang kanilang mga reserba, kaya’t parang isang army ang nagtatakbuhan sa buong court. Lahat ay gustong tumulong, dahil mabigat ang kalaban bukas: ang wala pang talo na defending champion Letran Knights.

Ayon sa kuwento, nakilala ni Ekwe ang isang miyembro ng coaching staff ng Red Lions sa pamamagitan ng e-mail. Naghahanap umano ang 6’8" na dating soccer player ng paaralan. Idol niya si Dikembe Mutombo, na napunta sa Georgetown University at naging kilalang defensive player sa NBA ng mahigit isang dekada. Noong una’y Amerika ang kanyang tinitignan. Subalit ngayon, napadpad siya sa Pilipinas.

"This is the first time he’s really playing," masayang pag-amin ni San Beda seniors team manager Mie Advani, isang retiradong PBA guard. "And this is the first time he’s lifting weights. He hates it."

Sa kanyang unang pagsabak sa organisadong basketbol, nangunguna si Ekwe sa pagiging kandidato para sa Most Valuable Player. Sa anim na laro, nagtala siya ng 16.5 rebounds, 10.6 points at halos tatlong supalpal bawat laro. Una siya sa rebounds at blocks sa liga. At kitang-kita na hilaw pa siya. Alalahanin na lang natin na nagtala siya ng 23 rebound at anim na blocks dalawang beses, laban sa Mapua at San Sebastian, na kapwa pumasok sa Final Four noong 2005.

Naninibago rin sa buhay sa ibang bansa si Ekwe, bagamat 22 taong gulang na rin siya. Ibig sabihin, tatlong taon lamang siyang makakalaro sa NCAA. Kababayan niya ang ama ni Jobe Nkema-kolam ng Ateneo Blu Eagles. May mga kailangan pang baguhin sa laro niya. Halimbawa, wala pa siyang kumpiyansa sa dribbling niya, bagamat magaling siyang pumasa. At, gaya ng pagbibiro ko noon, ang mga free throw niya ay parang finger print, walang dalawang magkatulad.

Kung hindi lamang kasabay ng playoffs ng PBA ang laban nila sa PCU (at napilitan silang iwanan pansamantala ni coach Koy Banal), maaaring wala pang talo ang Red Lions.

Malalim sila, at may talento. Higit sa lahat, mayroon silang Ekwe-lizer".

vuukle comment

ATENEO BLU EAGLES

DIKEMBE MUTOMBO

EKWE

FINAL FOUR

GEORGETOWN UNIVERSITY

JOBE NKEMA

KOY BANAL

LETRAN KNIGHTS

MIE ADVANI

RED LIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with