^

PSN Palaro

Letran vs San Beda, ‘box office hit’ sa NCAA

-
Kung ang ticket sales ang pagbabasehan, maituturing nang isang ‘box office hit’ ang banggaan ng nagdedepensang Letran Knights at San Beda Red Lions bukas sa 82nd NCAA men’s basketball tournament sa Ninoy Aquino Stadium.

Inaasahan ng NCAA Management Committee (ManCom) na mapupuno ng mga high school at college students, alumni at avid supporters ng Letran College at San Beda College ang 6,000-seater stadium.

"Gusto ko lang ipakiusap sa mga basketball supporters ng Letran at San Beda na mag-support tayo for our respective teams in a nice manner," ani coach Louie Alas kahapon. "Alam kong grabe ang rivalry ng dalawang teams na ito at sana walang untowards incident na mangyari."

Noong 1950 lamang nag-agawan para sa NCAA crown ang Knights at ang Red Lions kung saan tinanghal na kampeon ang Intramuros-based cagers sa pamumuno ni Larry Mumar.

Nakatakda sanang magsagupa ang Knights at ang Red Lions kahapon ngunit kinansela ng NCAA ManCom dahilan sa bagyong si "Glenda".

Kasalukuyang hawak ng Letran ang pangunguna mula sa kanilang matayog na 6-0 rekord kasunod ang San Beda (5-1), PCU (5-2), Mapua (3-3), San Sebastian (3-4), UPHD (2-5), Jose Rizal (1-5) at St. Benilde (1-6).

Sa ticket sales, nakabili na ang Letran community ng 600 tiket para sa general admission na nagkakahalaga ng P50 bawat isa bukod pa sa 300 sa upper box (P80) at 100 sa lower box (P150).

Kinuha naman ng San Beda ang 300 tickets sa lower box, 500 sa upper box at 400 sa general admission. (Russell Cadayona)

JOSE RIZAL

LARRY MUMAR

LETRAN

LETRAN COLLEGE

LETRAN KNIGHTS

LOUIE ALAS

MANAGEMENT COMMITTEE

NINOY AQUINO STADIUM

RED LIONS

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with