^

PSN Palaro

Eleksiyon sa TATAP kinansela

-
Kinansela ng Philippine Olympic Committee ang nakatakdang eleksiyon ngayon sa Table Tennis Association of the Philippines (TATAP).

Ito’y dahil nais muna ng POC na ayusin muna ng kasalukuyang pamunuan ang mga mahahalagang isyu.

Sinabi ni POC legal adviser Atty. Ding Tanjuatco, na kumunsulta sa mga kinauukulan kabilang ang POC arbitration committee na pinamumunuan ni Manny Lopez ng boxing, "at least two weeks are needed to fine-tune the details of a clean and orderly election."

"More time is needed to settle, among others, the fundamental issue of the TATAP leadership. Not only the POC, but all the parties concerned agreed that to turn a blind eye to issues would be simply postponing the solution," sabi ni Tanjuatco.

Ang TATAP ay pinamumunuan ni Victor Valbuena na binabatikos ng ilang miyembro ng table tennis community.

Iminungkahi ni Oscar Santillices, dating national coach at TATAP official na magkaroon ng table tennis summit na siyang magbibigay daan sa mga miyembro na ipahayag ang kanilang concerns at makibahagi sa elections.

Si Valbuena ay nahalal uli bilang TATAP president ilang buwan pa lamang ang nakakaraan ngunit pinawalang bisa ng POC ang kanyang election matapos kuwestiyunin ang proseso.

"The POC wants the current TATAP problems to be totally eliminated. The postponement will enable the full and effective arbitration of the conflict," ani pa ni Tanjuatco.

DING TANJUATCO

IMINUNGKAHI

MANNY LOPEZ

OSCAR SANTILLICES

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

SI VALBUENA

TABLE TENNIS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

TANJUATCO

VICTOR VALBUENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with