^

PSN Palaro

Pimentel sa Juniors; Lagula sa Kiddies

-
Nakipag-draw si Eugene Pimentel kay Ranel Morazo sa final round upang makopo ang korona sa juniors habang umiskor naman si Mac Lagula ng panalo sa 7th round at isukbit ang kiddies title sa pagsasara ng Tuguegarao leg ng 2006 Shell National Youth Active Chess Championships sa People’s gym sa Tuguegarao City.

Nasustina ni top seed Pimentel ang kanyang pananalasa sa unang apat na rounds nang magwagi ito sa sumunod na dalalwa kina Jayson Visa at Alfonso Datu bago nakipag-draw kay Morazo hawak ang itim na piyesa at magtapos na may 6.5 puntos para pagharian ang event sa 20-yrs and under.

Sa kabilang dako, malakas na bumangon si Lagula matapos ang draw sa ikaapat na round at walisin ang huling tatlong rounds kabilang ang final round win kontra kay Tumaneng at daigin si Mark Aquino at Michael Tabao sa tiebreak para naman isukbit ang korona sa 14-and-under.

Iginawad ni Roberto Kanapi, general manager for external affairs ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., city administrator Miguel Lim at Ryan Bahia, Pilipinas Shell retail territory manager, Cagayan Province, ang mga tropeo at premyo sa mga nagwagi. Ang iba pang awardees ay sina Crizelle Geron ng Cagayan National High School, top female player sa kiddies division at Philip Bryan Geron ng Tuguegarao Day Care Center, ang pinakabatang player sa edad na 4 na taong gulang.

Binigyan din ng parangal ang Tuguegarao West Elem. School (kiddies-77 players) at Cagayan National High (juniors-nine players) dahil sa dami ng bilang ng partisipante sa dalawang araw na torneong hatid din ng Shell Better Mileage Gasolines: Super Premium, Super Unleaded, Velocity, Shell Diesoline Ultra, Shellane, McDonald’s at Cebu Pacific.

Samantala, ang fourth leg ng eight-stage nationwide circuit ay magbabalik sa Aug. 5-6 para sa Southern Luzon swing sa SM Batangas.

ALFONSO DATU

CAGAYAN NATIONAL HIGH

CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

CAGAYAN PROVINCE

CEBU PACIFIC

CRIZELLE GERON

EUGENE PIMENTEL

JAYSON VISA

MAC LAGULA

MARK AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with