Indon boxer bagsak kay Banal

Umiskor ng kagila-gilalas na fifth-round knockout ang rising ring sensation na si AJ Banal ng pamosong ALA Gym laban sa Indonesian superflyweight champion Ali Rochmad sa dinumog na Island City Mall carpark sa Tagbilaran City noong Sabado.

Halos hindi magkaumayaw sa galak ang mga manonood, nang ang 17- anyos na si Banal, na wala pang talo sa 9 na laban ay may 8 wins, 1 draw at 7 knockouts, ay agad pinabagsak ang Indonesian sa unang round pa lamang at isang matinding right hook ang nagpatulog dito patungo sa huling round.

Si Rochmad, isang kaliweteng tulad ni Banal ay hindi pa napapabagsak sa kanyang record na 12 wins at walang talo na may 9 KOs. Nagpilit na bumawi ang Indon sa ikalawa at ikatlong round nang dumistansiya si Banal sa punching power ng kalaban.

Suportado ng mga fans, na kinabibilangan ni Tagbilaran City Mayor Dan Neri Lim at boxing patron Tony Aldeguer, nagpasabog ng sunod-sunod na kombinasyong suntok si Banal sa ikalimang round na nagpabagsak kay Rochmad.

Show comments