Pinoy judokas sali sa Vietnam International Judofest
July 24, 2006 | 12:00am
Patuloy na nagpapalakas ang Philippine National Judo team para sa nalalapit na Asian Games at kabilang dito ang paglahok ng mga judokas sa 15th Vietnam International Judo Tournament sa August 3-6 sa Phan Dinh Phung Indoor Stadium sa Ho Chi Minh City.
Sa pangunguna ni John Baylon, ang 11-kataong team ay makikipaglaban para sa karangalan laban sa mga pinakamagagaling ng rehiyon hindi lamang para sa karangalan kundi sa kinakailangang exposure sa paghahanda nila sa mas malaking arena--ang Asian Games.
Bukod kay Baylon, ang iba pang Pinoy judokas na kasama ay sina Oliver Franco, Aristotle Lucero, Gilbert Ramirez, Rick Jayson Senales, Tomohiko Hoshina, Nancy Quillotes, Estie Gay Liwanen, Jennelyn Abaya, Leilani Chan at Therddie Yasser Escuvilla. Sina Anecia Pedroso at Melvin Magata ang coach ng koponan.
Ang Philippine Judo team ay galing sa matagumpay nilang paglahok sa Thailand International Judo Championships noong nakaraang buwan kung saan isinukbit ang gold at silver medal nina Baylon at Sidney Schwarzkopf, ayon sa pagkakasunod.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended