UE Warriors nilapa ng UST Tigers
July 24, 2006 | 12:00am
Lumalabas na ang bangis ng Growling Tigers ng University of Santo Tomas.
Nilapa ng UST Tigers ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos ang 91-77 pamamayani laban sa host University of the East sa pagpapatuloy ng UAAP mens basketball tournament sa Ninoy Aquino Stadium kahapon.
Muling naasahan ng Uste si Jojo Duncil na kumamada ng 25-puntos, pitong rebounds, dalawang assists at isang steal upang isulong ang Tigers sa 2-1 win-loss record.
Katabla na ng Tigers ang UE Red Warriors na pinatikman nila ng kauna-unahang pagkatalo matapos ang pamamayagpag ng East sa unang dalawang laro. Nasa unahan ng standing ang Ateneo De Manila University na may malinis na 3-0 kartada.
Sa unang laro, umiskor naman ng step-back jumper si Patrick Cabahug sa huling 12.4 segundo ng labanan na naging tuntungan ng Adamson University sa 85-83 panalo laban sa University of the Philippines.
Bunga nito, umangat sa solong ikaapat na puwesto ang AdU Falcons taglay ang 2-2 kartada habang bumagsak naman ang UP Maroons sa 1-2 record katabla ang National University habang ang defending champion Far Eastern University ay nangungulelat sa taglay na 0-3 record.
Pinangunahan ni Kenneth Bono ang Adamson sa kanyang 22-puntos at walong rebounds habang tumapos naman si Cabahug ng 18-puntos kasunod si Mike Yong na may 15 markers. (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended