RP netters balik sa Group 2
July 23, 2006 | 12:00am
Umiskor ang Philippines, na binanderahan nina Fil-Ams Cecil Mamiit at Frederick Taino, ng 3-0 panalo laban sa Saudi Arabia kahapon upang makarating sa finals ng BNP Paribas Asia-Oceania Zone Group 2 competitions sa Manila Polo Club indoor courts.
At sa pagpasok ng locals sa finals na may karapatang tanghaling kampeon ng Group 3, muling nakabalik ang Philippines sa Group 2 competition.
Naglarong bayani sina Mamiit at Taino na mga bayani din makaraang maisukbit ang titulo sa mens team sa Southeast Asian Games noong nakaraang taon, kung saan nagwagi din ng singles gold si Mamiit at nakipagtambalan kay Riza Zalameda para naman sa mixed doubles title.
"We came here to give honor to the Philippines," wika ng world No. 203 na si Mamiit matapos iposte ang 6-0, 6-0 panalo kay Saleh Al-Rajeh sa ikalawang singles na nagsiguro sa panalo ng Philippines.
Sa kabilang dako, si Taino na pang-No. 271 sa mundo, ang nagbigay ng 1-0 abante sa bansa sa kanilang best-of-three match matapos ang 1-6, 6-0, 6-3 panalo laban kay Fahad Al-Saad sa unang singles.
Isinara naman nina Patrick John Tierro at Johnny Arcilla ang kampanya ng bansa nang manaig ito sa doubles match kontra kina Bader Al-Mugail at Fahad Al-Saad, 6-2, 6-2.
Kung nangailangan lamang ng 41 minuto si Mamiit na mapagwagian ang kanyang laban, pinahirapan naman si Taino bago niya naidispatsa ang kanyang kalaban.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am