Vietnam winalis ng Philippines
July 22, 2006 | 12:00am
Iginupo ng Philippines ang Vietnam, 3-0, kahapon upang walisin ang elimination round at lumapit ng isang panalo para muling makabalik sa Group 2 berth 2006 BNP Paribas Davis Cup Asia-Oceania Zone Group 3 competitions.
Trinangkuhan nina Fil-Americans Cecil Mamiit at Frederick Taino ang pambobokya ng Pinoy mula sa panalo ni world No. 271 na si Taino kay Thanh Hoang Tran, 6-0, 6-1 sa loob lamang ng 50 minutong pakikipaglaban sa unang singles, habang si Mamiit, ang may pinakamataas na ranggong manlalaro sa kompetisyon na pang-No. 203 ay umiskor ng 7-5, 5-7, 6-1 decision kay Minh Quanh Do sa isa pang singles ng kanilang best-of-three matches tie sa Manila Polo Club indoor courts.
Kinumpleto nina Patrick John Tierro at Johnny Arcilla ang pananalasa ng host nang pabagsakin nila ang tambalang Quang Tri Lam at Thanh Hoang Tran, 6-3, 7-5, sa doubles.
Ang locals na itinataguyod ng PLDT at Smart, ay maghahangad na makausad sa susunod na group sa susunod na taon, sa kanilang pakikipaglaban sa Saudi Arabia.
Ang Saudis ay pumapangalawa sa Group B sa likuran ng Iran na makakaharap naman ang Sri Lanka sa isa pang semis match simula alas-10:00 ng umaga.
Tinalo ng Iran ang Bahrain, 3-0 para tapatan ang baraha ng Philippines habang ginapi naman ng Sri Lanka ang Singapore para pumangalawa sa Group A sa likuran ng Philippines.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended