Letran Knights matatag

Nalagpasan ng nagdedepensang Letran College ang sinasabi ni coach Louie Alas na ‘acid test’.

Apat na freethrows ni Andro Quinday at basket ni Aaron Aban sa huling dalawang minuto ng laro ang nagtakas sa 7471 panalo ng Knights sa Mapua Cardinals para patuloy na pamunuan ang 82nd NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Ninoy Aquino Stadium. 

Itinarak ng Knights ang isang 20point lead, 3818, sa second quarter bago naagaw ng Cardinals, napigil ang twogame winning run, ang 5150 lamang, 1:17 sa third period patungo sa 7168 abante, 2:59 sa final canto.  

Matapos ang split ni Quinday para sa 7471 bentahe ng Letran, 15.4 segundo sa laro, nagmintis naman si Mapua guard Kelvin Dela Peña sa 3point range sa huling 3.8 tikada.

Sa inisyal na laro, humakot naman si Gabby Espinas ng 15 puntos, 11 rito ay sa second half, 14 rebounds, 4 shotblocks, 1 assist at 1 steal para sa 6661 panalo ng Dolphins sa Blazers.

Sa juniors class, tinalo naman ng Baby Dolphins (42) ang La SalleGreenhills Greenies (24) mula sa kanilang 7362 panalo. (CVOchoa)

Show comments