Ito ang pormal na ini-hayag kahapon ni Co-juangco ukol sa kanyang pagpili kay Ramirez bilang chief of mission ng Team Philippines para sa 2006 Doha Asiad.
"I came to the conclu-sion that I think the best person to act as Chef de Mission for the Asian Games will be the chair-man of the Philippine Sports Commission, which is Butch Ramirez," ani Cojuangco.
Ang pagpili ni Co-juangco kay Ramirez ay sinasabing pagtanaw nito ng utang na loob sa PSC chief matapos sagutin ang halos P50 milyong pagka-kautang ng Philippine SEA Games Organizing Com-mittee (PHILSOC), nasa ilalim ng POC, sa mga private transport firms.
Sa kanyang kreden-syal, nagsilbi rin si Rami-rez bilang Deputy Chef de Mission sa 2005 Philippine SEA Games kung saan nakuha ng bansa ang overall championship sa kauna-unahang pagka-kataon sapul nang sumali sa biennial event noong 1977 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ang pag-atras ni First Gentleman Atty. Mike Arroyo sa inilalapit ni Cojuangco na posisyon bilang Chef de Mission sa 2006 Doha Asiad ang posibleng dahilan ng pagkuha kay Ramirez bilang kapalit nito.
"May experience na rin naman siya when he acted as Deputy Chef de Mission in the 2005 Southeast Asian Games," wika ni Cojuangco kay Ramirez.
Umabot sa 205 ang bilang ng mga atleta at opisyal na ipapadala sa 2006 Doha Asiad mata-pos ang pulong ng POC Executive Board noong Miyerkules. (Russell Cadayona)