Tapos na sana ang finals ng Gran Matador PBA Philippine Cup na sila ang kampeon.
Ngunit hindi nangyari ito.
Nalusaw lang ang kanilang 15-puntos na naipundar nang hayaan nilang kumamada sina Enrico Villanueva, Larry Fonacier at Celino Cruz sa final canto para sa 98-93 panalo na nag-extend ng championship series.
Gayunpaman, lamang pa rin ang Chunkee Giants sa 3-2 panalo-talo sa best-of-seven cham-pionship series at isang panalo na lamang ang kanilang kailangan para maisubi ang ikapitong titulo at ikalimang All Filipino title.
"Well gonna close it out on Friday," ani coach Ryan Gregorio matapos madiskaril ang kanilang inaasahang celebrasyon noong Game-Five kung saan dumating ang in-jured na si Eugene Tejada na sakay ng wheelchair upang bigyan ng inspiras-yon ang kanyang mga kasamahan.
Lumamang ang Pure-foods sa 64-49 ngunit unti-unting kumulapso ang kanilang depensa at hindi na rin nagpapapasok ang tira ni James Yap dagdag pa ang kamalasan ni Kerby Raymundo ng buong gabi.
Sinamantala ito ng Bulls na gumawa ng 19-7 run sa pangunguna nina Villanueva at Fonacier na may pinagsamang 21-puntos katulong si Cruz para masungkit ang kani-lang ikalawang panalo sa serye.
Alam na ngayon ni Red Bull coach Yeng Guiao ang diskarte.
"If its a close game in the last two minutes, we will win it. They shoot so well when theyre in the lead. They have less pressure."
Sa pagkapanalong ito ng Bulls, tumaas ang kanilang morale.
"Its (winning the title) not impossible," ani Guiao. "The way we look at it right now, theyre (Giants) just one game away. And if we play as hard as we did in the second half, our chances are good."
Kung muling magtata-gumpay ang Bulls nga-yong gabi, silay nasa tamang daan sa pagba-ngon sa 1-3 Finals deficit patungo sa pagkopo ng titulo na tanging ang Ginebra pa lamang ang nakakagawa noong 1991.<