Ayon kay Philippine Taekwondo Association president Robert Aventejado, ang Philippines ay isa sa 80 bansa na maglalabanlaban sa prestihiyosong torneong ito na kinabibilangan ng Korea, Chinese-Taipei, United States, China, Germany, Turkey, France, Spain at Iran.
Kabilang sa team sina Gyle Michael Genoso, Paolo Miguel Angeles, Nicole Mapilisan, R-Jay del Rosario, Andrew Clemente, Dennis Rocel Resaba, Raffy de Jesus, Vladimir Baniqued at Clarence Nicole Virtudazo sa mens team habang kasama naman sa womens squad sina Crystal Pauline Reyes, Ma. Daphne Alindogan, Karla Jane Alava, Izel Carmel Masungsong, Rublyn Mapa, Marifi Violeta Gadit, Kirstie Elaine Alora at Emron Mae Golding.
Ang mga opisyal ng team na ipinadala ng Philippine Sports Commission, Petron at Accel ay sina Stephen Fernandez, delegation head; Jesus Morales III, team manager; Victor Emmanuel Veneracion, mens coach; at Roberto Cruz, womens coach.