Naungusan ng mixed doubles pair nina Alex Cuevas at Dianah Barbo sina Odonnel Palomo at Dhalie del Rio, 21-4, 21-13, para makumpleto ng Meralco ang 5-0 pananalasa sa Bulletin shuttlers sa Classic division na tanging empleyado lamang ng mga koponan ang maaaring lumaro.
Nabigo ang Meralco na makapagtala ng dobleng tagumpay nang yumuko ito sa Philippine Star, 2-3 sa Masters division na may reinforcement na kalahok.
Tinalo ng tambalang Brandon Chan at Ricky Morales ang pares nina Malvin Alcala at Renel Bernardo sa mahigpitang 21-10, 20-22, 21-8 panalo na nagbigay sa Phil. Star squad ng deciding point sa 5-match tie.
Ang isang linggong torneo na itanataguyod ng Sporthouse, Dunlop Slazenger, SM Supermalls, Philippine Star, Manila Bulletin, Ratsky at Philippine Daily Inquirer, ay inorganisa ni dating Olympian Weena Lim at may basbas ng Philippine Badminton Association.
Umiskor din para sa Starmen sina Casey Ang-Siy at Dalia Santiago na tinalo sina Criselda Sarabia at Kathleen Anasco, 21-19, 21-15 at Marife Durana at Jhona Magnaye, na dumaig kina Beth Ng at Langga Luminarias, 21-14, 21-19.
Humugot naman ng panalo para sa Meralco sina Rey Selga at Alex Cuevas, na tumalo kina Chester Cordero at William Gabuello, 21-18, 19-21 at 21-16 at Dodie Sertan at Mischelle Guerrero, na nanaig kina Martin Araneta at Melody Villaceran, 21-19, 17-21, 21-19.