"No More Slam Dunk Contest for me," pahayag ng 22-gulang na si Igoudala na dumating dito sa bansa kahapon kasama si Channing Frye ng New York Knicks para sa NBA Madness.
Ayon kay Igoudala, tinanghal na Rookie of the Year noong nakaraang taon at finals MVP ng Rookie Challenge, ayaw na niyang maglaro ng Sabado sa All-Star kung saan ginaganap ang mga side events.
"My goal is in Las Vegas is to get to play on a Sunday game," wika ng 6-foot-6 na si Igoudala patukoy sa Sunday game kung saan ginaganap ang main event na All-Star game.
Kasamang dumating nina Igoudala at Frye na sabik na sabik namang magbigay aliw sa mga NBA fans, ang Silver Dancers ng San Antonio Spurs at ang Atlanta mascot na si Harry The Hawk na siyang tampok sa Celebrity Jam sa Sabado sa Araneta Coliseum. (CVOchoa)