^

PSN Palaro

Igoudala, ayaw nang mag-slam dunk

-
Matapos madiskaril sa slum dunk contest ng National Basketball Association laban kay Nate Robinson ng New York, ayaw nang maulit ng Philadelphia guard na si Andre Igoudala ang kanyang masamang karanasan at mas matayog na ang kanyang target sa susunod na All Star Games na gaganapin sa Las Vegas sa susunod na NBA season.

"No More Slam Dunk Contest for me," pahayag ng 22-gulang na si Igoudala na dumating dito sa bansa kahapon kasama si Channing Frye ng New York Knicks para sa NBA Madness.

Ayon kay Igoudala, tinanghal na Rookie of the Year noong nakaraang taon at finals MVP ng Rookie Challenge, ayaw na niyang maglaro ng Sabado sa All-Star kung saan ginaganap ang mga side events.

"My goal is in Las Vegas is to get to play on a Sunday game," wika ng 6-foot-6 na si Igoudala patukoy sa Sunday game kung saan ginaganap ang main event na All-Star game.

Kasamang dumating nina Igoudala at Frye na sabik na sabik namang magbigay aliw sa mga NBA fans, ang Silver Dancers ng San Antonio Spurs at ang Atlanta mascot na si Harry The Hawk’ na siyang tampok sa Celebrity Jam sa Sabado sa Araneta Coliseum. (CVOchoa)

ALL STAR GAMES

ANDRE IGOUDALA

ARANETA COLISEUM

CELEBRITY JAM

CHANNING FRYE

HARRY THE HAWK

IGOUDALA

LAS VEGAS

NATE ROBINSON

NATIONAL BASKETBALL ASSOCIATION

NEW YORK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with